Suhi (excerpts)
Thursday, December 22nd, 2005
Ipinanganak akong suhi. Una ang paa bago ang ulo. Sa
ingles, breech. Hindi breach na parang breach of contract,
pero
masasabi mong parang ganoon
din ang pagiging suhi… hindi
sumunod sa madalas na
kasunduan ng ipapanganak na bata at kanyang
ina, na ang unang ilalabas
sa katawan ng bata ay ang ulo,
…
Pero maraming nakinabang sa
aking pagiging suhi. Sabi nga
ng mga matatanda, kapag
natitinik ka, isigaw mo lang ang pangalan
ng taong pinanganak nang
suhi, at matatanggal ang tinik mo.
Isang malaking hiwaga! O kaya’y ipahilot mo sa kanya at
magiging kasing bisa ito ng
pag-inom ng tubig o paglunok ng
saging tuwing natitinik
ka. Ang nakakagulat nito’y, naniniwala
ang lola at mga tita
ko. At lalo pa silang naniniwala kapag
natatanggal ko ang tinik
nila.
…
Bukod rito’y wala na silang
masabi tungkol sa akin. Sa
madaling sabi’y hindi nila
ako kilala dahil madalas na lang akong
walang imik, at madalas na
lang akong wala. Hindi nila
maintindihan kung bakit ang
isang babaeng katulad ko na nasa
hustong gulang na ay hindi
pa nag-aasawa, at walang hinangad
kundi ang maglakbay. Hindi ko alam kung mayroong ibang kasabihan
ang tungkol sa pagiging
suhi, dahil mula nang ipinanganak ako,
mas nagmadaling lumabas ang
paa ko kaysa sa ulo ko.
…
Note: This was written YEARS ago, as in maybe a decade or so ago… pero di pa naman panis. sharing lang po… :) Excerpts lang… kasi may nabura ata sa soft copy…