forwarded text message
Friday, January 19th, 2007 "Send this to 30 friends
and nothing will happen…
Totoong effective ‘to,
natry ko na,
wala talagang nangyari.."
—————————–
at dahil natawa ako sa text message na ito, pinadala ko sa ilang friends ko na naiinis magforward ng messages (and who’d see the humor in the message). hindi ko naman pinaabot sa 30 although i’m sure aabot sa 30 ang mga kaibigan kong ganun.
sabi ng kaibigan kong si Mira, hmmm… 30 pesos of nothing din yun.
sabi ko, sabagay, parang nothing na rin ang value ng 30.
pero hindi rin… kasi lumalagay na 15 sticks ng isaw yan kung bibili ka sa may tapat ng UP kalayaan dorm.
o tama ba — tig-P2 ang bawat stick ng isaw? o P2.50 na?
so ibig sabihin, may halaga pa rin pala ang P30 mo.
so bibili ka ba ng isaw o magse-send ng 30 text messages?
opportunity cost nga ba ang tawag doon? (one of the few things i learned in high school, or i thought i learned)
sabagay… pinatawa mo naman sila (o pina-smirk).
priceless yun (sabi na nga ba baduy ang ending nito e)
anyway nagsimula sa nothing ang usapan.
sayang, nakakaaliw ang totoong text exchanges namin ni mira noon… hindi ko na-document. paraphrasing na lang ito.
o paraphrasing nga ba ito?
ewan… nabubulok ata utak ko pag ganitong oras ng gabi (umaga na pala)
zzzzzzzz