Tingi-tinging chika

nadaig ng epekto ng kape ang pagtili namin ng housemate ko kanina. grabe ang palpitation ko! masyadong matapang kasi yung bubwit na mahilig umakyat at bumaba sa may lababo sa kusina. Arrrrggggh! Pero napansin lang namin ng housemate ko na pagkatapos naming tumili nang ilang beses, wala sa mga kapitbahay namin ang nag-check para alamin kung ano ang nangyayari. Ganun na ba ka-apathetic ang mga tao sa city? Kung sabagay, baka na-diferentiate na nila ang tili ng nakakita ng ipis sa tili ng nakakita ng bubwit at sa tili ng nakakita ng big rat (yan ang blood-curdling scream).

                                                                

                                                                        q ( ^ < ^ ) p

Daddyism

yan ang title ko pag may kwento ako tungkol sa tatay ko. usually meant just for my sister, brother-in-law and me. pero minsan gusto ko lang i-compile at gawan ng tribute na libro ang aking daddy dearest.

anyway, one time napag-usapan ang tungkol sa tumataas na presyo ng electric bill. Sabi ng nanay ko, dapat raw talagang nuclear power plant na lang ang gamitin para mas tipid raw. Sabi ko paano pag nagka-malfunction at nagkaroon ng leak? Di rin naman daw tayo ligtas dahil andyan din ang Korea at Japan, may nuclear power plant rin ang neighboring countries. Pabiro kong sinabi, "at least mas malapit na kung dito, no?" Then dad chimed in with, "Homegrown!" Cute (those who know my dad can imagine how he would say that). Para bang kamote tops na pinatubo sa backyard. Parang jutes na binebenta nina Cheech and Chong.

                                                          

                                                                         q ( ^ < ^ ) p

Papayag kaya kayong ipagiba ang UP shopping center? Ako ayaw ko… pero sana ayusin ang CR, ang mga tulo… pero I still love going to G.Miranda, I always have my photocopying services done there, and I still have some of clothes altered there. A friend said some bankers who were former UP students would still have their barongs made in that tailoring shop on the second floor of one of the stalls.

Di lang for sentimental reasons. Talagang mas mura. Mas at ease ako doon.

But one of my favorite places there would still be Rodic’s.

Ang tagal ko nang di kumakain doon, at medyo di na ko sanay na may maka-share-a-seat, so nanibago ako. Tapos yung naka-share-a-seat ko pa ay nag-order ng (sa pandinig ko ay) red wine. Ganun? Pero instantly naman pinaandar ko ang aking logical self. Red na "One" (iced tea) pala ang order niya, Red One lang kasi ang sinabi ng ka-table ko noon sa waiter.

Leave a Reply